Ang Panitik ay isang uri ng TCG (Trading Card Game) na batay sa mga istoryang nakikita sa mga Klasikong Panitikang Filipino kagaya ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ang pangunahing adhikain ng larong ito ay magsilbing isang alternatibong kasangkapan upang tulungan ang mga guro at mga mag-aaral sa pag-aaral ng Panitikang Filipino, mapalawak ang kaalaman sa panitikan, mapahusay ang lohika at pagdedesisyon ng mga mag-aaral at lubusan nilang maunawaan ang bawat likhang pampanitikan na kanilang pinag-aaralan. Layunin nitong hikayatin ang mga mag-aaral na tangkilikin ang katutubong Panitikan, linangin ang kanilang pag-iisip, at mapaigting ang paggamit ng wikang pambansa.


Gayunpaman, ang larong ito ay hindi naglalayong palitan ang kasalukuyang sistema ng pagtuturo ng Panitikan sa mga eskwelahan. Bagkus, ito ay magiging isang karagdagang paraan upang mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa at mahumaling sa Panitikang Filipino.     
  

 

Sa Panitik, ang manlalaro ang tatayong Maharlika na namumuno sa kanyang mga kaharian. Bawat kaharian ay may dalawang bayan na nagsisilbing buhay ng buong kaharian. Ang bawat bayan ay may mga Bayani at Kawal na maaring gumamit ng mga armas at kapangyarihan upang ipaglaban ang kaharian.

      Upang manalo, kailangan magapi ang mga kalaban. Kailangang buwagin ang dalawang bayan ng kalabang kaharian, sa pamamagitan ng mga Kawal at Bayani na maaring lumusob sa kalaban at magtanggol ng sarili nilang kahrian. Ang mga Kawal at Bayani ay maaring gumamit ng mga armas, salamangka at mahika upang hilumin ang mga pinsala, suportahan ang mga kawal o 'di kaya ay palalain ang kalagayan ng kalaban.

      Ang pamamahala ng pananalapi, pag-gamit ng mga kaganapan, at mga katanungan hango sa Panitikan ay maaring magbigay-swerte, kapanaigan o malas sa isang manlalaro.

     
Kapag ang mga bayan ng isang manlalaro ay nakatanggap ng pinsala na katumbas o mahigit pa sa nakaimprentang buhay ng bayan (kapag ang Buhay ng Bayan mula 25 o 30 ay naging 0), ang manlalarong ito ay tanggal na sa laro.

Maari rin matalo ang isang manlalaro kapag naubos ang kanyang manghal ng baraha at hindi na makabunot muli o kung ang isang manlalaro ay makasagot ng tama sa 10 tanong na inihain sa kanya ng kalabang manlalaro.  

 
     
   
HOME ANG PANITIK PAANO LARUIN PRODUKTO GALERIYA
MGA BARAHA MGA ARALIN DOWNLOAD CONTACT  
KARAPATANG-SIPI © 2008 CARLOS DEPANTE