UNANG EDISYON: IBONG ADARNA

Ang Unang Edisyon ng Panitik ay nakatuon sa makulay at mahiwagang mundo ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ang isang Korido na kinatatampukan ng mga mahihiwagang kaganapan, mga kagilagilalas na paklalakbay at mga labanang di mapapantayan.

Samahan si Don Juan at ang kanyang mga kapatid sa kanilang pambihirang paglalakbay upang tuntunin ang mahiwaga at enkantadang Ibong Adarna upang malunasan ang mapait na sakit ng kanilang amang hari .

Labanan ang mga Engkantadong halimaw, tunghayan ang hiwaga ng De Los Krystal, masulyapan ang 'di mapapantayang dunong ni Maria Blanca at libutin ang nakabibighaning kaligiran ng Berbanyang reyno.

Ang Ibong Adarna ang una sa apat na
serye ng Klasikong Pampanitikan na bubuhayin at bibigyang kulay sa larong
Panitik.

May apat na natatanging pangkat na nanaig sa mundo ng Ibong Adarna:
Isang maasenso at masalimuot na sibilisasyon sa di kalayuan. Ang kaharian nilang Berbanya ay pinamumunuan ni Haring Fernando at ang kanyang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego, at ang magiting na si Don Juan.
Ang mga Krysatalino ay isang mahihiwagang sibilisasyon.
Ang kanilang kaharian na De Los Krystal ay isang malayong pook na natutunton ng kakaunti lamang. Ang marikit at mahiwagang De Los Krystal ay pinamumunuan ng isang haring tuso na si Haring Salermo, ang nakabibighaning si Donya Maria at ang kanyang mga kapatid.


Sila ang mga hari ng himpapawid. Sakop nila ang alapaap at mga kalangitan ng Bundok Armenya at De Los Krystal.Malaya at sumasabay sa amihan, sila ay sinusubaybayanng mga misteryosong mga Ermitanyo sa kagubatan.
Sila ay mga pambihirang nilalang na nakapalibot sa Kagubatan ng Tabor, sa Marikit na Bundok Armenya at sa kailailaliman ng Mahiwagang Balon. Sila ay may pambihirang kakayahan,
mahikal na katangian at lakas na hindi mapapantayan.

 
     
   
HOME ANG PANITIK PAANO LARUIN PRODUKTO GALERIYA
MGA BARAHA MGA ARALIN DOWNLOAD CONTACT  
KARAPATANG-SIPI © 2008 CARLOS DEPANTE